Saturday 21 January 2012

Kinilaw na dilis



Kinilaw na dilis

Masarap ito hindi lang pag-ulam kundi para sa mga nag-iinuman. Pulutan!!

Siguraduhin lang na presko ang isdang dilis o munamon.  Yong bagong huli
o bagong salta sa daongan.  Hugasan, alisin ang ulo at ang mga buto o tinik.
Timplahin lang kagaya ng paggawa ng iba pang kilawin.

Bersyon ni Mister:

Lagyan ng kaunting asin at lemon para maalis ang lansa.
Lagyan ng na-chop na sibuyas, sliced tomatoes and luya at kaunting paminta
Lagyan ng sukang iloko, nachop na red pepper at green onions.
Dagdagan lang ng red pepper kung gusto ng medyo maanghang.

Enjoy!



No comments:

Post a Comment